Lalaki pinagbabaril sa loob ng taxi sa Quezon City

By Justinne Punsalang June 04, 2018 - 01:31 AM

Hindi makapaniwala ang ina ng isang lalaki matapos niyang makitang duguan at wala nang buhay ang kanyang anak matapos itong pagbabarilin sa loob mismo ng kanyang sinasakyang taxi sa kahabaan ng Quirino Highway na sakop ng Barangay Balon Bato sa Quezon Cty.

Kinilala ang biktimang si Freddie Dela Torre, 21 taong gulang.

Kwento ng driver ng taxi, kasama ni Dela Torre ang kanyang kasintahan sa loob ng taxi. Nang mapadaan sila sa isang convenience store ay nagpabili umano ang biktima sa kanyang kasintahan at makalipas ang ilang minuto ay doon na nangyari ang pamamaril.

Hindi naman namukhaan ng driver ang dalawang mga salarin dahil nakasuot umano ang mga ito ng bonnet. Matapos ang pamamaril ay agad na tumakas ang mga suspek.

Ayon sa mga otoridad, tama ng bala sa ulo ang tumapos sa buhay ni Dela Torre.

Narekober mula sa pinangyarihan ng insidente ang isang kalibre 45 baril at ilang mga sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Tikom naman ang bibig ng ina ng biktima sa posibleng motibo sa pamamaslang.

Sa ngayon ay patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad tungkol sa krimen, partikular ang motibo at pagkakakilanlan ng mga salarin.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.