Pulis sa Jolo, binaril sa airport

sulu-map (1)
Inquirer file photo

Isang miyembro ng Sulu Provincial Police ang namatay kaninang alas singko kuwarenta ng madaling araw, Sabado, Oktubre 17, sa Liyang, Patikul, Sulu.

Ayon sa report ng Sulu Provincial Office, tinadtad ng bala ng mga suspek na nagkunwaring mga joggers si Police Officer 2 Espaldon, 40 taong gulang, may asawa, at nakatira sa Asturias, Jolo, Sulu, habang nagja-jogging ito sa Jolo Airport na puntahan ng mga early morning joggers at mga taong nage-exercise.

Agad na rumesponde ang mga tropa ng 35th Infantry Battalion na may detachment malapit sa lugar ng pinangyarihan ng insidente.

Nakipagbarilan pa ang mga ito sa mga suspek na agad namang nakatakas.

Read more...