Mabigat na trapiko inaasahan sa pagsisimula ng klase ngayong araw – MMDA

By Rhommel Balasbas June 04, 2018 - 04:27 AM

Sa muling pagbubukas ng klase ngayong araw ay inaasahan ding babalik na ang mabigat na trapiko sa mga lansangan.

Ito ang ibinabala ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at inabisuhan ang mga motorista na asahan na ang malalang sitwasyon ng trapiko ngayong araw.

Ayon kay MMDA spokesperson Celine Pialago, balik-realidad na ngayon at gusto lamang nilang magpakatotoo na kapag nagsisimula ang klase ay bumibigat talaga ang daloy ng trapiko.

Dagdag pa ng opisyal, ‘carmageddon’ ang mararanasan ngayon ng mga motorista.

Gayunman ay tiniyak ni Pialago sa publiko na handa ang MMDA na tugunan ang mabigat na trapiko.

Anya, nagdeploy na ng mahigit 100 karagdagang traffic enforcers na kakatapos lamang sumailalim sa pagsasanay ng ahensya.

Tiniyak din ni Pialago na nakipag-ugnayan na sila sa mga local government units (LGUs) sa Metro Manila para tumulong sa pagtugon sa problema sa trapiko sa pamamagitan ng pagbubukas ng alternate routes sa labas ng EDSA.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.