San Miguel wagi kontra Ginebra sa PBA Commissioner’s Cup

PBA Images

Patuloy ang pagbawi ng San Miguel Beermen sa 2018 PBA Commissioner’s Cup matapos ang kanilang hindi magandang simula para sa liga ngayong taon.

Sa kanilang naging tapatan ng Ginebra Gin Kings kagabi sa Mall of Asia Arena ay nagwagi ng Beermen sa iskor na 104-97.

Ayon sa head coach ng San Miguel na si Leo Austria, alam niyang magiging exciting ang laban dahil parehong kailangang bumawi ng dalawang koponan.

Aniya, isang magandang morale-booster ang kanilang pagkapanalo para sa kanilang mga susunod na laro.

Si Renaldo Balkman ang nanguna para sa Beermen matapos niyang makapagbigay ng 27 points na siya ring game-high score, 11 rebounds, at 3 blocks.

Sinundan naman siya ni Jun Mar Fajardo na nakapagtala ng 24 points.

Samantala, para sa Gin Kings, si Justin Brownlee ang nanguna sa pamamagitan ng kanyang 18 puntos.

Read more...