Mga tanggapan ng Comelec bukas 12 oras simula ngayong araw

By Den Macaranas October 17, 2015 - 10:09 AM

Bautista
Inquirer file photo

Simula ngayong araw na ito hanggang sa Oktubre 31 ay magiging 12-hour na ang operasyon ng mga Comelec offices sa ibat-ibang bahagi ng bansa para bigyang daan ang mga late registrants pati na rin sa mga kukunan ng biometrics.

Sinabi ni Comelec Chairman Andres Bautista na sa kasalukuyan ay mahigit sa dalawang-milyong mg registrered voters pa ang kinakailangang makunan ng biometrics para sila ay maka-boto sa 2016.

Base sa record ng komisyon, umaabot sa 52 million ang bilang ng mga rehistradong botante sa kasalukuyan.

Ipinaliwanag din ni Bautista na bukas ang mga tanggapan ng Comelec pati sa mga araw ng Sabado at Linggo para mabigyan ng pagkakataon ang mga may trabaho o kaya’y mga estudyante na may pasok tuwing weekdays.

Bukas din sa mas mahabang oras ang mga Comelec booths na matatagpuan sa mga piling Malls.

Dagdag pa ni Bautista, karamihan sa mga registered voters na hindi pa nakukunan ng biometrics ay mula sa Metro Manila, Region 3 at Region 4A.

Pansamantalang nabalam ang registration at biometrics update sa mga Comelec offices dahil sa naganap na filing ng Certificate of Candidacy ng mga kandidato na nagsimula noong lunes at natapos kahapon October 16.

 

TAGS: bautista, biometrics, comelec, bautista, biometrics, comelec

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.