Bagong labor inspectors inutusang habulin ang mga kumpanyang lumabag sa labor standards

By Chona Yu June 03, 2018 - 08:26 PM

Binigyan na ng go signal ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III ang 200 bagong labor inspectors na habulin ang mga may-ari ng mga establisyemento na hindi nagreregular ng kanilang mga trabahador o ang mga nagpapatupad lamang ng labor only contracting.

Ayon kay Bello, bubusisiin din ng mga labor inspectors ang mga may-ari ng kumpanya na lumalabag sa labor standards.

Dagdag ni Bello, ang 200 bagong labor inspectors ay dagdag sa 500 inspectors na naka-deploy na sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ayon kay Bello, target ng DOLE na magkaroon ng 2,000 bagong labor inspectors para habulin ang 900,000 establisyemento sa buong bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.