Surigao del Sur niyanig ng Lindol; Intensity III naramdaman

Niyanig ng magnitude 4.1 na lindol ang lungsod ng Bislig sa Surigao del Sur kaninang alas-7:22 ng gabi.

Sa abiso ng PHIVOLCS, naitala ang episentro ng pagyanig sa 54km hilaga ng Bislig City.

May lalim itong 25km at tectonic ang origin.

Bagaman walang inaasahang aftershocks at pinsala ang naturang lindol, ay naitala naman ang Intensity III at instrumental Intensity I sa iba’t ibang bahagi ng Bislig City.

Read more...