Ex-PNoy dadalo sa DOJ Dengvaxia preliminary investigation

Dadalo si dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa preliminary investigation ng Department of Justice (DOJ) kaugnay sa kontrobersiya sa Dengvaxia.

Ang hearing ay isasagawa bukas, June 4, alas-diyes ng umaga sa DOJ main office.

Ang iba pang inaasahang haharap sa pagdinig ng binuong DOJ panel ay sina dating Health Secretary Janette Garin and dating Budget Secretary Butch Abad.

Ang didinggin ng lupon ay ang reklamong kriminal na inihain nina Philippine Anti-Corruption Commission (PACC) Commissioner Manuelito Luna at Eligio Mallari ng Vanguard of the Philippines Constitution Inc. (VPCI).

Sina Aquino, Abad at Garin ay kapwa mga respondent, maging ang ilang opisyal ng Sanofi Pasteur, ang manufacturer ng Dengvaxia vaccines.

Naging malaking isyu ang usapin sa Dengvaxia dahil sa mga ulat ng pagkasawi ng mga batang naturukan ng vaccine.

Read more...