Pagdami ng Chinese nationals sa bansa, pinaiimbestigahan sa Senado

Pinaiimbestigahan ni Senador Leila de Lima sa Senado ang pagdami ng Chinese nationals sa bansa.

Inihain ni De Lima ang Senate Resolution 751 na nagpapabusisi ang immigration at labor laws sa pagprotekta sa mga Pilipino mula sa masamang epekto ng pagtaas ng immigration sa bansa.

Ipinahayag ni De Lima na ang naagawan ng Chinese nationals sa bansa ng trabaho ang mga Pilipino at nakaapekto rin umano ito sa pagtaas ng kahirapan sa mauunlad na lugar.

Dagdag ng senador, halos lahat ng 200,000 manggagawa ng 50 offshore gambling companies ay Chinese nationals. Sa gitna ito ng pangingibang bansa ng mga Pilipino para magtrabaho at problema pa rin ang kawalan ng trabaho sa bansa.

Batay sa datos ng Department of Labor and Employment, tumaas nang 33.4% ang Alien Employment Permit na ibinibigay sa mga dayuhan para makapatrabago sa bansa. Katumbas nito ang 41,993 dayuhan noong 2016. Ayon kay De Lima, 45% nito ay pawang Chinese nationals.

Iginiit ni De Lima na dapat na mabusisi ang pagpapatupad ng immigration at labor laws para matugunan ang suliranin sa pamamagitan ng pagpapalakas ng Filipino competency.

Read more...