US Defense Secretary Jim Mattis nagbabala sa mahabang nuclear negotiation sa NoKor
‘Bumpy road’
Ganito inilarawan ni United States Defense Secretary Jim Mattis ang isasagawang nuclear negotiation ng kanilang bansa kasama ang North Korea ngayong buwan.
Sa talumpati ni Mattis sa pagsisimula ng huling araw ng seurity conference kasama sina South Korean Defense Minister Song Young-moo at Japanese Defense Minster Itsunori Onodera ay hinimok nito ang kanyang counterparts na manatiling matatag ang posisyon tungkol sa denuclearization ng NoKor.
Aniya, kailangang maging mapagmatyag ang mga ito sa mga susunod na mangyayari.
Dagdag pa ni Mattis, sa ngayon ay nakatuon ang atensyon ng Estados Unidos para palakasin ang defense cooperation upang mapanatili ang kapayapaan.
Ayon naman kay Song, isang malaking turning point at mga unang hakbang para sa denuclearization ng North Korea ang isasagawa nitong summit kasama ang Estados Unidos sa June 12 sa Singapore.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.