Solenn Heussaff namalengke sa Cartimar Market
Ibinahagi ng aktres na si Solenn Heussaff ang kanyang sikreto para makakuha ng mura at sariwang mga produkto at gulay para sa kanyang healthy recipes.
Sa latest vlog ng aktres, ipinakita nito ang kanyang pagpunta sa Cartimar Market sa Pasay City kung saan siya madalas na namimili ng mga produkto.
At para hindi siya makilala ng mga nasa palengke ay naka-disguise si Solenn — nakasuot siya ng itim na t-shirt, baseball cap, sunglasses, at face mask.
Ayon kay Solenn, natutuwa siya kapag nakakalabas at nakakapamalengke at sinusubukan niya itong gawin nang madalas.
Mapapanood sa vlog ng aktres na kahit na may dala siyang camera habang namamalengke ay wala namang pumapansin at nakakakilala sa kanya.
Ipinakita pa ni Solenn ang mismong pamimili niya ng mga gulay sa isang stall sa palengke.
Tip pa ni Solenn, mas makakamura kapag sa umaga at weekend pupunta ng palengke.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.