LRT-1 full operational na ulit matapos magka-aberya

LRT-1 Photo

Balik-serbisyo na ang Light Rail Transit line 1 (LRT-1) matapos makaranas ng aberya ngayong araw.

Sa abiso ng pamunuan ng LRT-1, isinagawa ang “technical repairs” sa Central Station sa Quiapo, Maynila.

Dahil dito ay mula Blumentritt Station hanggang Rossevelt lamang ang operasyon ng tren.

Ayon kay Rochelle Gamboa, pinuno ng LRT-1 Corporate Communications, hindi malaking problema ito. Aniya, maihahalintulad lamang ito sa maintenance.

Sinabi ni Gamboa na naganap ito dakong alas-11:30 ng umaga kanina para ayusin ang problema sa linya ng kuryente.

Ayon sa opisyal, kinailangang putulin ang suplay ng kuryente para maisaayos ang apektadong linya.

Samantala, sa abiso ng pamunuan, alas-3:35 nang maibalik sa normal at full operation ng LRT-1 mula Baclaran hanggang Roosevelt, at pabalik.

Read more...