DENR Sec. Cimatu, hinikayat ang publiko na umiwas sa paggamit ng plastic
Hinimok ni Environment Secretary Roy Cimatu ang publiko na umiwas na sa paggamit ng plastic items.
Ito ay bilang pakikibahagi sa National Celebration ng Environment Month ngayong buwan ng Hunyo.
Ayon kay Cimatu, maiiwasang ma pollute ang karagatan at waterways kung iiwas sa paggamit ng plastic items gaya ng plastic bottle, grocery bags at iba pa.
Ayon kay Cimatu, hindi maikakaila na sa dagat karaniwang bumabagsak ang mga basura.
Base sa Proclamation number 237, deklaradong environment month sa Pilipinas ang buwan ng Hunyo habang ang June 5 naman ang taunang World Environment Day.
Tema ng World Environment Day ngayong taon ay “Beast Plastic Pollution.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.