Ruta ng mga Jeepney babawasan para mapaluwag ang trapiko
Aminado si Cabinet sec. Jose Almendras na pinag-aaralan na nila sa ngayon ang panukalang bawasan ang bilang ng mga pampasaherong Jeepney sa mga lansangan.
Ayon sa kalihim, dumadaan na ngayon sa review ng Land Tranportation Office (LTO) at ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga ruta ng mga Jeepney partikular dito sa Metro Manila.
Sinabi ni Almendras na maraming mga ruta ang kailangan nang alisin ang byahe ng mga jeepney dahil hindi naman masyadong matao sa nasabing mga lugar.
Pinag-aaralan na rin ang pagdardagdag ng ruta ng mga Bus sa mga highly populated areas pero ang pag-aaral ay naka-sentro sa pagpapaluwag sa daloy ng trapiko.
Ipinaliwanag din ng itinalagang Traffic Czar ng Pangulo na magpapatuloy ang clearing operations laban sa mga establishemento na sumasakop sa mga bangketa tulad nang nauna nang ginawa ng Traffic Management Group sa kahabaan ng EDSA.
Aminado si Almendras na hindi madali ang ginagawa nilang pagpapa-luwag sa daloy ng trapiko dahil masikip ang mga pangunahin nating mga lansangan dito sa Metro Manila.
Pero naniniwala ang kalihim na ang disiplina at kaayusan ay magandang panimula para mapabilis ang byahe ng mga sasakyan lalo na tuwing rush hours.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.