Davao Oriental, niyanig ng magnitude 3.1 na lindol
By Angellic Jordan June 03, 2018 - 10:42 AM
Tumama ang magnitude 3.1 na lindol sa Davao Oriental, Linggo ng umaga.
Batay sa inilabas na impormasyon ng Phivolcs, naitala ang episentro ng lindol sa layong 158 kilometers South ng bayan ng Governor Generoso dakong 10:17 ng umaga.
May lalim ang lindol na 120 kilometers at tectonic ang dahilan.
Wala namang napaulat na pinsala at inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.