(Updated) Dead on the spot ang isang welder, habang nasa kritikal na kundisyon ang kasamahan nito dahil sa pagsabog ng isang LPG sa refilling station sa Pasay City, ngayong araw ng Linggo (June 03).
Kinilala ang nasawi na si Renato Gaspar, 49-anyos at trabahador ng Island Air Products Corporation sa No. 137 A. Virata Street.
Dinala naman sa ospital ang isa pang welder na si Felix Angana.
Hindi pa malinaw kung ano ang sanhi ng pagsabog ng LPG.
Pero maliban sa LPG, may mga produkto ring oxygen, nitrogen, acetylene, at ilan pang compressed gas na nakaimbak sa planta.
Batay sa inisyal na impormasyon, bago ang pagsabog ay may LPG raw na kinukumpuni ang dalawang welder.
Patuloy pang iniimbestigahan ng mg otoridad ang insidente.
Tangke ng LPG, sumabog sa isang warehouse sa Pasay City. 2 lalake, nasabugan. @dzIQ990 pic.twitter.com/jItCssnrJX
— Isa Avendaño-Umali (@isaavendanoDZIQ) June 3, 2018
Dead on the spot ang welder na si Renato Gaspar habang nasa kritikal na kundisyon ang isa ring welder na si Felix Angana sa pagsabog ng LPG sa isang warehouse sa Virata St., Pasay City. @dzIQ990 pic.twitter.com/2Pv13Vrn9n
— Isa Avendaño-Umali (@isaavendanoDZIQ) June 3, 2018