Isyu sa TRAIN Law, pinauubaya ni Pangulong Duterte sa Kongreso
Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang Kongreso ang hahayaan niyang magdesisyon kung aamyendahan, isususpinde o babaguhin ang kontrobersyal na Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.
Ito ay sa kabila ng ilang mga panawagang ipahinto ang naturang tax reform package dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin habang hindi naman tumataas ang sahod ng mga mangagagawa.
Sa press briefing sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 bago ang kanyang pag-alis patungong South Korea, sinabi ng pangulo na ang naturang batas ay ipinasa ng Kongreso.
Kaya’t ipinauubaya niya rin sa mga mambabatas kung aamyendahan o isusupinde ito.
Anya, wala siyang magagawa kung magdedesisyon ang mga mambabatas kung amyendahan ang naturang batas o hindi kaya ay panatilihin ang mga probisyon nito.
Matatandaang idinepensa ng gobyerno ang pagpapatupad ng mas mataas na excise tax sa mga produktong petrolyo dahil maliit lamang ang bahagi nito sa kabuuang presyo nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.