Sa press briefing sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 bago ang kanyang pag-alis patungong South Korea, sinabi ng pangulo na sa pamamagitan ng investments ay makatutulong ang naturang bansa sa rehabilitasyon ng lungsod.
Posible anyang malaking tulong ang agricultural enterprises sa Mindanao sa tulong ng South Korea.
Gayunman ayon sa pangulo ay may mga dapat pang solusyonang problema sa rehiyon tulad ng kaguluhan maging sa Davao.
Sinabi ng pangulo na sinisikap ng kanyang gobyerno na maging matagumpay ang usaping pangkapayapaan sa Communist Party of the Philippines (CPP).
Muling iginiit ni Duterte na inimbitahan nito si CPP founder Joma Sison at tinitiyak nito ang kanyang kaligtasan at seguridad.
Gayunman ay wala pa anya siyang natatanggap na malinaw na sagot mula sa lider ng komunistang grupo.