Duterte sa UN rapporteur: “He can go to hell”

By Rhommel Balasbas June 03, 2018 - 05:31 AM

Ibinulalas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang inis kay United Nations Special Rapporteur Diego Garcia-Sayan sa pakikialam nito umano sa mga usaping-panloob ng bansa.

Sa press briefing sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 bago ang kanyang pag-alis patungong South Korea, sinabi ng pangulo na pumunta na lang ng impyerno ang UN rapporteur.

Sinabi ni Duterte na hindi ispesyal na tao si Garcia-Sayan at hindi niya kinikilala ang kanyang pagiging rapporteur.

Igiinit ng presidente na hindi dapat ito nakikialam sa mga usaping-panloob ng Pilipinas.

Matatandaang nagpahayag ng pagkabahala si Garcia-Sayan sa mga naging pahayag umano ni Pangulong Duterte laban kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno bago ito tuluyang mapatalsik sa pwesto.

Sinabi ng human rights expert na ang Kalayaan ng Philippine judiciary ay nahaharap sa banta matapos mapatalsik si Sereno sa pwesto.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.