Disbarment pinaghahandaan na ng kampo ni Sereno

By Rohanisa Abbas June 02, 2018 - 06:21 PM

Inquirer file photo

Nangangamba si Atty. Josa Deinla na hindi pa natatapos sa pagpapatalsik kay Maria Lourdes Sereno bilang punong mahistrado ang lahat.

Ipinahayag ni Deinla, tagapagsalita ni Sereno na posibleng ma-disbar pa si Sereno.

Aniya, tila dito papunta ang show cause order ng Korte Suprema kung saan pinagpapaliwanag si Sereno kung bakit hindi siya dapat maparusahan sa pagpapalaganap umano ng masamang motibo laban sa mga kapwa mahistadro sa Korte Suprema.

Sinabi ni Deinla na isa sa disciplinary measure na maaaring gawin ng Korte Suprema ay tanggalan ng lisensya si Sereno bilang abogado.

Sa naging desisyon ng Hukuman sa quo warranto petisyon, isinaad nito maaaring ma-disbar ang napatalsik na punong mahistrado dahil sa paglabag umano sa sub judice rule dahil sa paulit-ulit na pagtalakay sa publiko ng kanyang kaso na posibleng makaapekto sa boto ng mga mahistrado at opinyon ng publiko.

TAGS: deinla, quo warranto, Sereno, subjudice rule, supele court, deinla, quo warranto, Sereno, subjudice rule, supele court

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.