6-12 oras na malakas na ulan mararamdaman na sa ilang bahagi ng Luzon

Lando1
PAGASA infographics

Nagbabala ang PAGASA kaugnay sa anim hanggang labing-dalawang oras ng “intense rain” o malakas na pag-ulan sa malaking bahagi ng Luzon habang lumalapit sa kalupaan ang bagyong Lando.

Kaninang alas-kwatro ng madaling-araw, huling namataan si Lando sa layong 335Km Silangan ng Baler Aurora taglay pa rin ang lakas ng hangin na 150kph at pagbugsong aabot sa 185kph.

Malaki ang lugar na sakop ng bagyo na umaabot sa 600Km in diameters ayon sa pinaka-huling satellite pictures ng sama ng panahon.

Dahil sa laki at kapal ng kanyang kaulapan, sinabi ng PAGASA na asahan na magiging malakas ang dalang pag-ulan ng bagyong Lando at napaka-bagal ng kanyang takbo na umaabot lamang sa 15kph.

Ipinaliwanag din ng PAGASA na mapanganib sa mga sasakyang pandagat ang pag-ulan na dala ng bago bukod pa sa lakas ng hangin nito na pwede pang mag-intensify habang nasa karagatan ang nasabing sama ng panahon.

Idinagdag pa ng PAGASA na pwedeng umabot sa 14-meters ang storm surge sa mga lugar na nasa ilalim ng Signal No.3 kaya pinag-iingat nila ang publiko.

Nananatiling nakataas ang Public Storm Signal No. 3 sa mga sumusunod na lalawigan:

Quirino

Aurora

Isabela

Polillo Island
Ang mga lalawigan na nasa ilalim ng Signal  No.2 ay ang mga sumusunod:

Northern Quezon

Nueva Vizcaya

Nueva Ecija

La Union

Benguet

Ifugao

Mt. Province

Ilocos Sur

Ilocos Nort

Abra

Apayao

Kalinga

Cagayan

Babuyan

Calayan Island

 

Signal No.1 ay nakataas na sa mga sumusnod na lugar:

Batanes

Pangasinan

Bulacan

Pampanga

Tarlac

Zambales

Bataan

Rizal

Batangas

Laguna

Southern Quezon

Cavite

Albay

Camarines Norte

Camarines Sur

Catanduanes

Metro Manila

Read more...