Administrador ng pantalan sa Bataan patay sa ambush

By Rohanisa Abbas June 02, 2018 - 02:49 PM

Tinambangan ang manager ng Philippine Port Authority sa lalawigan ng Bataan dakong alas-5:30 kahapon.

Papunta si Froilan Abella sa Bacoor Cavite nang harangin at pagbabarilin ng armadong kalalakihan ang kanyang sasakyan sa Limay, Bataan.

Namatay si Abella habang sugatan ang isa pang pasahero na si Jocelyn Reyes.

Nakaligtas naman ang driver na si Christian Reyes.

Ayon sa impormasyon na nakarating sa Camp Crame, nai-record ng isang saksi ang insidente sa pamamagitan ng cellphone video.

Nasa kustodiya na rin ng mga otoridad ang dashboard camera ng sasakyan samantalang bumuo na ng isang team ang Bataan PNP para hanapin ang mga suspek sa krimen.

TAGS: abella, ambush, bataan, PNP, ppa, abella, ambush, bataan, PNP, ppa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.