Nanawagan si Pangulong Benigno Aquino III sa lahat ng mga mamamayan na huwag mag-panic sa kabila ng inaasahang paglakas pa ng Bagyong Lando na maaaring magdulot ng sakuna.
Sa kaniyang ginawang address kagabi, tiniyak niya na ginagawa na ng pamahalaan ang lahat ng paghahanda para sa pagpasok ng bagyo sa Luzon.
Inilahad ng pangulo lahat ng paghahandang ginagawa lahat ng sangay ng gobyerno, tulad na lamang ng paghahanda ng mga relief goods at ng mga kagamitang kakailanganin para sa debris cleaning operations.
Ang matinding preparasyon ng pamahalaan ay para maisakatuparan ang kanilang target na zero casualties sa sakunang inaasahang mangyayari dahil sa bagyo.
Gayunman, iginiit ni Pangulong Aquino na hindi lamang ang pamahalaan ang tanging may responsibilidad sa nasabing paghahanda, dahil aniya lahat ng apektadong Pilipino ay may kaukulang responsibilidad na dapat gampanan para malampasan ang pagsubok na ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.