Diplomatic approach iginiit ng DFA sa agawan ng mga isla sa WPS
Tuloy pa rin ang bilateral talks sa pagitan ng Pilipinas at China sa kabila ng militarisasyon ng Chinese forces sa West Philippine Sea.
Sinabi ni Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano na kailangan pa rin ang diplomatic approach sa kabila ng inihaing reklamo ng bansa laban sa China.
Mananatili umanong transparent ang pamahalaan sa pagharap sa problema sa China pero may ilang mga bagay na hindi pwedeng ilantad sa publiko.
Ito ang naging tugon ni Cayetano sa pahayag ng ilang kritiko ng pamahalaan na noong nakalipas na linggo lamang ay hinaras ng Chinese Coast Guard ang ilang mga tauhan ng militar malapit sa mga pinag-aagawang isla.
Nakuha na rin umano ng China ang ilang bahagi ng Sandy Cay malapit sa Pag-asa Island.
Pero bwelta ni Cayetano, kaagad umano siyang magre-resign sa kanyang posisyon kapag at hindi na tatakbo sa mga susunod na halalan kapag napatunayang may napunta sa China na bahagi ng lupain ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.