US President Trump, inanusyong tuloy na ang pulong kay NoKor leader Kim

By Rhommel Balasbas June 02, 2018 - 05:28 AM

Inanunsyo ni United States President Donald Trump na tuloy na ang nakatakda niyang pulong kay North Korean leader Kim Jong Un sa Singapore sa June 12.

Ito ay matapos ang kanselasyon ni Trump sa nasabing summit isang linggo na ang nakalilipas.

Ang anunsyong tuloy na muli ang pulong ay ipinahayag ni Trump matapos makausap ang North Korean senior envoy na si Gen. Kim Yong-chol.

Nagkaroon ng pulong ang envoy at si Trump sa White House.

Ayon pa kay Trump, sinabi umano ng North Korea na gusto na nitong magsagawa ng denuclearization.

Gayunman, wala pang kumpirmasyon ang NoKor tungkol dito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.