Pilipinas at South Korea lalagda sa apat na kasunduan
Apat na kasunduan ang nakatakdang pirmahan ng Pilipinas at South Korea kasabay ng opisyal na pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Seoul mula June 3 hanggang June 5.
Ayon kay Foreign Affairs Undersecretary Ernesto Abella, ang mga Memorandum of Understanding na nakatakdang lagdaan ay nakasentro sa transportasyon, kalakalan, science at loan agreement.
Bukod anya sa pagpirma ng MOU, summit at bilateral meeting nina pangulong Duterte At South Korean Pres. Moon Jae-in, pagtitibayin ng biyahe ng pangulo ang ugnayan ng dalawang bansa.
Haharap din anya ang pangulo sa Filipino Community sa South Korea sa Linggo June 3.
Si Duterte ay personal na inimbitahan ni Moon nang gawin ang ASEAN summit sa Pilipinas noong nakaraang taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.