Pamumuo ng dalawang LPA bilang bagyo, posibleng magpasimula sa panahon ng tag-ulan
Sakaling maging ganap ng bagyo ang dalawang low pressure area (LPA) sa loob ng Philippine Area Of Responsibility (PAR), posibleng ito na ang hudyat ng simula ng tag-ulan sa bansa.
Ayon sa PAGASA, ang LPA sa Silangan Timog-Silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur ay maghahatak ng hanging habagat na magiging dahilan naman ng pag-uulan sa malaking bahagi ng bansa.
Bukod sa naturang LPA ay may isa pang LPA sa Kanluran Hilagang-Kanluran ng Puerto Princesa City, Palawan.
Sinabi ni PAGASA forecaster Samuel Duran na ang dalawang posibleng bagyo ang magpapaulan sa pagbubukas ng klase sa Lunes, June 4.
Dahil dito ay pinag-iingat ng PAGASA ang mga residente sa mga lugar na may panganib ng baha at pagguho ng lupa.
Inaasahang magiging tropical depression o bagyo ang dalawang LPA sa susunod na tatlo hanggang limang araw at papangalanang Domeng at Ester.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.