Ex-officials ng San Jose, Camarines Sur, pinatawan ng 90-day suspension ng Sandiganbayan
Pinatawan ng Sandiganbayan ng 90-day suspension ang mga dating opisyal Ng San Jose, Camarines Sur dahil sa kanilang trip sa Thailand noong 2008 na walang valid travel authority.
Nakasaad sa resolusyon ng anti-graft court na suspendido sina dating Municipal Mayor Gilmar Pacamarra; mga dating konsehal na sina Norman Bruzo, Julio Dizon, Roberto Primavera; dating Senior Administrative Assistant Ma. Monette Jasmin Pacamarra, Dating Agricultural Technologist Nida Peña, Dating civil registrar muriel abraga, at dating Municipal Accountant Imelda Caballero.
Inutos ng sandiganbayan ang Pendente Lite o pending litigation bilang preventive measure laban sa kasalukuyang opisyal na pwedeng gamitin ang kanilang impluwensya sa kaso gaya ng pag-tamper ng ebidensya.
Ang naturang mga opisyal ay nililitis para sa one count ng graft sa bawat akusado dahil sa kanilang “one town product benchmarking mission” sa Thailand na nagkakahalaga ng P279,724.60 na walang authorization.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.