Trillanes at De Lima, nanawagan sa SC na irekonsidera ang desisyon vs. Sereno
Hiniling nina Senators Antonio Trillanes IV at Leila de Lima sa Korte Suprema na irekonsidera ang desisyon na pagpapatalsik kay Maria Lourdes Sereno bilang Chief Justice.
Sa motion for reconsideration na inihain ngayong Biyernes, hiniling nina Trillanes at De Lima na mabasura ang quo warranto petition na inihain ni Solicitor General Jose Calida na naging dahilan kaya nawala sa pwesto si Sereno.
Una nang nag-intervene ang dalawang opposition senators sa quo warranto case sa dahilang pinangunahan umano nito ang authority ng Senado na magtanggal ng gaya ni Sereno sa pamamagitan ng impeachment.
Sa kanilang apela ay binanggit ng dalawang senador ang panukalang senate resolution na pirmado ng labing-apat na senador na naghimok sa Supreme Court na i-review ang kanilang desisyon pero ang naturang resolusyon ay hindi na-adopt bago mag adjourn sine die ang Kongreso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.