Dalawang LPA sa loob ng bansa patuloy na binabantayan ng PAGASA

Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang dalawang Low Pressure Area (LPA) na nasa loob ng Philippine Are of Responsibility (PAR).

Ang dalawang bagyo ay posibleng maging ganap na bagyo sa susunod 3 hanggang 5 araw.

Huling namataan ng PAGASA ang isang LPA sa 380 kilometers West Northwest ng Puerto Princesa City, Palawan habang ang isa pa ang nasa 635 kilometers East Southeast ng Hinatuan, Surigao Del Sur.

Kapwa nakapaloob sa Intertropical Convergence Zone ang dalawang LPA.

Ang dalawang LPA ay naghahatid ng maulap na papawirin sa Mindanao at Palawan na mayroong katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan.

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...