Sa huling araw niya sa pwesto, outgoing NCRPO chief Camilo Cascolan pinasalamatan ang kaniyang mga tauhan

By Donabelle Dominguez-Cargullo June 01, 2018 - 07:57 PM

Sa huling araw niya sa pwesto bilang NCRPO chief, pinasalamatan ni Director Camilo Cascolan ang kaniyang mga tauhan na saglit niyang nakasama.

Ani Cascolan nais niyang bigyang pagkilala ang pwersa ng NCRPO sa kanilang maayos na pagtatrabaho.

Mula sa pinakamataas na opisyal hanggang sa pinakamababang ranggo aniya sa NCRPO ay nagtrabaho ng mahusay at aktibo sa serbisyo.

Si Cascolan ay inalis sa pwesto bilang NCRPO Chief at ipinalit sa kaniya si Chief Supt. Guillermo Eleazar.

Mahigit isang buwan pa lang sa pwesto si Cascolan.

Inilipat siya sa PNP Civil Security Group sa Camp Crame.

Sinabi ni Cascolan na sa mahigit isang buwan niya sa pwesto ay bumaba ang krimen sa Metro Manila sa all-time low.

Dagdag pa ni Cascolan hindi niya ang alam ang rason kung bakit siya inalis sa NCRPO perp bilang mabuting sundalo ay handa aniya siyang sumunod.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Camilo Cascolan, PNP, Radyo Inquirer, revamp, Camilo Cascolan, PNP, Radyo Inquirer, revamp

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.