Protesta kontra TRAIN law isinagawa sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila

By Jan Escosio June 01, 2018 - 07:08 PM

CREDIT: GabrielaWomenPL

Nagdaos ng sabayang protesta ang iba’t ibang grupo para kondenahin ang TRAIN law.

Sa pangunguna ng iba’t ibang militanteng grupo, partikular na ang Gabriela, kinalampag nila ang administrasyong-Duterte sa mga isyung lubhang nakakaapekto sa mga ordinaryong mamamayan.

Partikular nilang binabatikos ang TRAIN Law na anila ang sanhi ng paghihirap pa ng husto ng masa.

Iginigiit din ng grupo na ang tax reform package ng gobyernong-Duterte ang nagpapasirit ng presyo ng mga produktong petrolyo na nagkakaroon ng domino effect sa presyo ng iba pang mga pangunahing bilihin.

Idinaos ang mga kilos protesta sa Cubao at Commonwealth Market sa Quezon City, Trabajo at Carriedo LRT Station sa Maynila at sa Marikina Public Market.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: protest, Radyo Inquirer, Rally, Rpdrigo Duterte, train law, protest, Radyo Inquirer, Rally, Rpdrigo Duterte, train law

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.