Tabina, Zamboanga Del Sur niyanig ng magnitude 5.4 na lindol
By Donabelle Dominguez-Cargullo June 01, 2018 - 06:56 PM
Niyanig ng magnitude 5.4 na lindol ang bayan ng Tabina sa lalawigan ng Zamboanga del Sur.
Naitala ng Phivolcs ang lindol alas 6:21 ng gabi ng Biyernes, June 1 sa 26 kilometers South ng Tabina.
Ayon sa Phivolcs, 567 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.
Bago ito tumama na ang magnitude 4.4 na lindol sa bayan din ng Tabina sa Zamboanga del Sur alas 10:19 ng umaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.