LRT-2 dalawang beses nagpatupad ng limitadong operasyon ngayong araw

By Donabelle Dominguez-Cargullo June 01, 2018 - 06:50 PM

Nakaranas ng problema sa biyahe ng Light Rail Transit-2 (LRT-2) na nagresulta sa dalawang magkasunod na pagpapatupad ng limitadong operasyon.

Alas 3:28 ng hapon ng Biyernes, June 1 nang maglabas ng abiso ang LRT-2 na nakararanas sila ng delay sa pagdating at pag-alis ng mga tren dahil sa technical problem.

Makalipas ang dalawang minuto, sinabi ng LRT-2 na nagpatupad na sila ng limitadong operasyon at ang operational lamang na biyahe ng tren ay mula Santolan hanggang V. Mapa at pabalik.

Signaling fault ang binanggit na dahilan ng aberya.

Alas 4:31 ng hapon sinabi ng LRT-2 na naibalik na sa normal ang kanilang biyahe at nakakabiyahe na ang mga tren mula Santolan hanggang Recto at pabalik.

Pero pagsapit ng alas 6:14 ng gabi, muling nag-abiso ang LRT-2 na limitado muli ang kanilang operasyon at Santolan hanggang V. Mapa at pabalik lang ulit ang biyahe.

Signaling fault pa rin ang nakitang problema sa tren.

Dahil sa aberya napilitang bumaba ng LRT ang mga pauwi na sanang pasahero.

Alas 7:36 na ng gabi nang maibalik muli sa normal na operasyon ang LRT-2.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: limited operations, LRT line 2, Radyo Inquirer, signaling problem, limited operations, LRT line 2, Radyo Inquirer, signaling problem

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.