Mahigit 1,700 na bagong abogado nakapanumpa na

By Donabelle Dominguez-Cargullo June 01, 2018 - 06:35 PM

SC PIO

Nakapanumpa na ang mahigit 1,700 na mga bagong abogado na pawang nakapasa sa Bar Examinations.

Pinangunahan ni Supreme Court Associate Justice Lucas Bersamin, chairman ng Bar Examination Committee ang presentasyon sa 1,724 na mga bagong abogado at magiging mga bagong miyembro ng Integrated Bar of the Philippines (IBP).

Matapos ang presentasyon, si En Banc Clerk of Court Atty. Adgar Aricheta naman ang nag-administer ng Lawyers Oath sa mga Bar passers.

Matapos ang panunumpa, kinakailangang makalagda sa Roll of Attorneys ang mga bar passers bago maging ganap na abogado.

Sa kaniyang talumpati, hinimok ni Bersamin ang mga badong abogado na protektahan ang hudikatura.

Hindi naman ito nangangahulugan ayon kay Bersamin na hindi na pupunahin ng mga abogado ang mga korte.

Aniya, karapatan ito ng mga abogado bilang mamamayan.

Pero dapat aniyang maging malinaw na ang karapatan sa pagsasalita at kritisismo ay hindi pwedeng walang limitasyon.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Radyo Inquirer, Supreme Court, Radyo Inquirer, Supreme Court

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.