Pagpapatalsik kay Sereno may ‘chilling effect’ sa hudikatura – UN expert
Mayroon umanong chilling effect sa sangay ng hudikatura ang pagpapatalsik kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Ito ang inihayag ng isang human-rights expert ng United Nations (UN).
Ayon kay Diego Garcia-Sayan, UN special rapporteur on independence of judges and lawyers, ang pagkakapatalsik sa pwesto kay Sereno ay mayroon ding seryosong banta sa judicial independence sa Pilipinas.
Binanggit din ni Garcia-Sayan ang pagkakatawag ni Duterte bilang “enemy” kay Sereno.
Ayon sa UN expert, maliban sa direct intimidation na naidulot ng insidente kay Sereno ay lumilitaw na mayroon din itong ‘chilling effect’ sa mga mahistrado ng Korte Suprema.
Aniya, napapanahon na ring magkaroon ng malinaw na hakbang para maibalik ang judicial independence.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.