Residential area sa Pasay City nasunog; bahay ng dating vice mayor kasama sa natupok

By Donabelle Dominguez-Cargullo June 01, 2018 - 05:42 PM

Nasunog ang isang residential area sa Barangay 66 sa Pasay City.

Nagsimula ang sunog pasado alas 3:00 ng hapon ng Biyernes na tumupok sa mga bahay sa Dolores Street kanto ng Taft Avenue.

Umabot sa ikaapat na alarma ang sunog bago tuluyang naideklarang fire out alas 4:55 ng hapon.

Nagdulot din ito ng pagsasara ng bahagi ng Libertad, Taft Avenue patungo sa Evengelista sa Makati.

Isa sa mga nadamay sa sunog ang bahay ni dating Pasay City Vice mayor Greg Alcera ayon sa kaniyang katiwala na si Shintaro Marquinez.

Hinihinalang sa isang talyer nagsimula ang apoy.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa sunog at ang tinutukoy pa ang halaga ng mga napinsalang ari-arian.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: fire incident, Pasay City, Philippine red Cross, Radyo Inquirer, fire incident, Pasay City, Philippine red Cross, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.