LOOK: Ilang lansangan sa QC maaapektuhan ng weekend repair ng DPWH

By Donabelle Dominguez-Cargullo June 01, 2018 - 05:30 PM

Magsasagawa ng road repair ngayong weekend ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa mga pangunahing lansangan sa Quezon City.

Gagawin ang repair mula alas 11:00 ng gabi mamaya, June 1 hanggang sa Lunes June 4, alas 5:00 ng umaga.

Sa abiso ng DPWH, sa EDSA Southbound apektado ang mga sumusunod:

  • Arayat Street mula M. Ignacio Diaz, 1st lane mula sa sidewalk
  • Eugenio Lopez Street hanggang Scout Borromeo, 3rd lane mula sa sidewalk

Sa EDSA Northbound naman apektado ang:

  • Vertis North hanggang Trinoma Mall, 3rd lane

Ang iba pang lansangan na maapektuhan ng repair ay ang:

  • Quirino Highway sa pagitan ng Bernardino Road hanggang Rockville Subdivision, 2nd lane
  • Batasan Road mula Commonwealth Avenue hanggang Katarungan Street, 2nd lane
  • Bonifacio Avenue bago mag-Dome Street, inner lane
  • Congressional Avenue sa harap ng Business Bank patungong Mindanao Avenue, 1st lane

Payo ng DPWH sa mga motorista, iwasan na ang nabanggit na mga kalsada sa kasagsagan ng repair para hindi maabala.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: DPWH, edsa, Radyo Inquirer, road repair, DPWH, edsa, Radyo Inquirer, road repair

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.