Inflation rate sa Mayo, inaasahan na magiging mas mataas
Inaasahan na ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang mas mataas pang inflation rate ngayon buwan ng Mayo.
Sa pagkunsidera sa pangakalahatang pagtaas ng halaga ng mga pangunahing bilihin, tinataya ng BSP-Department of Economic Research na maaring maglaro sa pagitan ng 4.6 hanggang 5.4 percent ang inflation rate ngayon buwan.
Malaking dahilan nito ang pagtaas ng presyo ng langis at bigas.
Ang pagtataya na ito ay doble na ng 2.4 percent target ng BSP.
Dagdag pa, nakatulong pa dito ang mababang singil sa kuryente sa mga lugar na sinerbisyuhan ng Meralco at pagbaba ng ilang prutas at isda.
Sinisisi naman ang Tax Reform for Accelaration and Inclusion (TRAIN) Law sa pagtaas ng halaga ng mga bilihin at serbisyo.
Nagpasabi na rin ang BSP na maaring hanggang sa pagtatapos ng taon ay mataas pa rin ang inflation rate dahil sa posibleng pagtaas pa ng halaga ng langis at ang pagpapatupad ng TRAIN 2.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.