Ito ang paniniwala ni Armed Forces of the Philippines Chief-of-Staff General Carlito Galvez Jr. kaugnay sa isinusulong na usaping pangkapayapaan ng pamahalaan sa National Democratic Front of the Philippines (NDFP).
Ayon kay Galvez, mas maganda kung sa Pilipinas gawin ang peace talks dahil panloob na problema ang tatalakayin dito at mas magiging positibo ito para sa parehong kampo.
Gayunaman, sinabi ng opisyal, na bukas din sya sa pagkakaroon ng third party facilitator o tagapamagitan sa pag uusap.
Samantala, inihayag naman ni Galvez na mahalaga na magkaroon ng bilateral ceasefire sa pagsulong ng peace talks. Kanya ring sinabi na handa sila magbigay ng seguridad kay Jomas Sison kung sakaling magbabalik ito ng bansa.