Peace talks sa komunistang grupo hindi na dapat dalhin pa sa ibang bansa – Galvez

By Mark Makalalad June 01, 2018 - 04:50 PM

Hindi na dapat pang dalhin sa ibang bansa ang peace talks sa mga komunistang grupo.

Ito ang paniniwala ni Armed Forces of the Philippines Chief-of-Staff General Carlito Galvez Jr. kaugnay sa isinusulong na usaping pangkapayapaan ng pamahalaan sa National Democratic Front of the Philippines (NDFP).

Ayon kay Galvez, mas maganda kung sa Pilipinas gawin ang peace talks dahil panloob na problema ang tatalakayin dito at mas magiging positibo ito para sa parehong kampo.

Gayunaman, sinabi ng opisyal, na bukas din sya sa pagkakaroon ng third party facilitator o tagapamagitan sa pag uusap.

Samantala, inihayag naman ni Galvez na mahalaga na magkaroon ng bilateral ceasefire sa pagsulong ng peace talks. Kanya ring sinabi na handa sila magbigay ng seguridad kay Jomas Sison kung sakaling magbabalik ito ng bansa.

TAGS: AFP, AFP Chief-of-Staff General Carlito Galvez Jr., ndfp, peace talks, AFP, AFP Chief-of-Staff General Carlito Galvez Jr., ndfp, peace talks

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.