Tseke sa mga loan at claims ng SSS made-delay ang release dahil sa problema sa nasirang printer
Magkakaroon ng delay sa pagre-release ng tseke ng Social Security System para sa mga salary loan, death, disability, retirement, sickness at maternity claims.
Ayon sa SSS, ito ay dahil problema sa printer na ginagamit sa pag-imprenta ng kanilang tseke.
Sa abiso ng SSS, ang lahat ng claims na isinumite simula noong May 22 at mga kasunod na araw ang maaapektuhan ng delay.
Ito umano ang unang pagkakataon na nakaranas ng malfunction ang printer ng SSS.
Dagdag pa ng SSS, kasalukuyan nang inaayos ang nasirang check printer at inaasahan na maidedeliver na sa PhilPost ang mga tseke simula Hunyo 8.
Nakikipag-ugnayan na rin ang SSS sa PhilPost para sa special handling ng mga tseke upang mabilis na matanggap ng mga miyembro.
Ayon sa SSS, ang nasa 106,950 na apektadong miyembro ay inabisuhan na sa pamamagitan ng text message sa kanilang numerong naka-rehistro sa SSS.
Humingi rin ng paumanhin ang SSS sa naging problema.
Kung mayroon namang katanungan, maaaring tumawag sa 920-6446 to 55 o mag-email sa [email protected] para sa iba pang katanungan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.