Job fairs idaraos sa iba’t ibang panig ng bansa sa June 12
Maghahatid ng trabaho sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang Deparment of Labor and Employment sa pagdiriwang ng ika-120 anibersaryo ng kalayaan ng Pilipinas sa June 12.
Ipinahayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III na 19 “Trabaho, Negosyo, Kabuhayan” o TNK job and business fairs ang isasagawa sa 14 rehiyon.
Sinabi ng kalihim na layunin nitong dalhin sa grassroots level ang mga oportunidad na magkatrabaho at pagnenegosyo.
Inabisuhan ni Bello ang jobseekers na maghanda ng requirements gaya ng resume, 2×2 identification photos, employment certificates, diplomas, transcripts of records at authenticated birth certificates. Mas malaki aniya ang tyansa na matanggap sila sa trabaho sa mismong araw na iyon.
Isasagawa ang job and business fairs sa mga sumusunod:
- Metro Manila – Senior Citizen’s Garden, Rizal Park, Manila
- Cordillera Administrative Region – Porta Vaga Mall Veranda, Baguio City
- Region 1 – Nepo Mall, Dagupan City; Candon Civic Center, Candon City, Ilocos Sur; Pacoy Ortega Gymnasium, San Fernando City, La Union
- Region 2 – Tuguegarao People’s Gym, Tuguegarao City, Cagayan
- Region 3 – Metro Town Mall, Tarlac City
- Region 4A – Freedom Park, Kaingen, Kawit, Cavite; Sunstar Mall, Sta. Cruz, Laguna
- Region 5 – Ayala Mall, Legazpi City
- Region 6 – 888 China Town Square, Bacolod City
- Region 7 – Negros Oriental Convention Center; Cebu City Sports Complex
- Region 8 – Provincial Covered Court, Catbalogan City
- Region 9 – KCC Mall de Zamboanga, Gov. Camins Ave. Zamboanga City; Zamboanga del Norte Cultural Convention and Sports Center, Gen. Luna St., Dipolog City
- Region 10 – Iligan City
- Region 11 – Davao City Recreation Center (Almendras Gym)
- Region 12 – KCC Mall Convention Center, General Santos City
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.