SolGen Calida may P7.46M na excess na allowance noong 2017 – COA

By Rohanisa Abbas June 01, 2018 - 02:14 PM

Nakakuha ng mahigit P7.46 milyon sa excess allowances noong 2017 si Solicitor General Jose Calida, ayon sa Commission on Audit (COA).

Ang naturang halaga ay 70% ng P10.77 milyon honoraria sa 15 opisyal ng Office of the Solicitor General para sa kanilang legal na serbisyo.

Sa annual audit report nito, sinabi ng COA na P8.38 milyon ng allowances

noong nakaraang taon ang direktang na nakuha ni Calida o sa pamamagitan ng PSG-Financial Management Service.

Kung imemenos dito ang allowance na maaaring matanggap ni Calida, mayroong P7.46 milyon sobra allowance ang opisyal noong 2017.

Taliwas ito sa COA Circular 85-25-E noong April 25, 1895 na hindi maaaring lumagpas sa 50% ng kanilang taunang sahod ang mga opisyal ng gobyerno.

Sa P1.83 milyong taungang sahod ni Calida, hanggang P913,950 lamang ang allowance na maaari niyang tanggapin.

Maliban kay Callida, 14 pang ibang abogado ng OSG ang nakatanggap ng sobrang allowance noong 2017.

Inirekomenda ng COA sa mga opisyal ng OSG na i-refund ang excess allowance at i-deposit ito sa trust fund ng OSG, at limitahan ang receipt of allowances nang hindi lalampas sa 50% ng kanilang sahod.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: COA, Office of the Solicitor General, Solgen Calida, COA, Office of the Solicitor General, Solgen Calida

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.