Alternatibong suplay ng langis darating ngayong buwan ayon sa DOE

By Donabelle Dominguez-Cargullo June 01, 2018 - 01:59 PM

Kuha ni Jap Dayao

May darating na alternatibong suplay ng langis ngayong buwan ayon sa Department of Energy (DOE).

Ayon kay DOE Secretary Alfonso Cusi galing ang dagdag na suplay ng langis sa mga alternatibong sources.

Sa ngayon sinabi ni Cusi na patuloy din sa paghahanap ng makukuhanan ng dagdag na suplay ang Philippine National Oil Company-Exploration Corporation.

Maliban sa Russia na isa sa mga opsyon para pagkunan ng langis, may iba pang pinag-aaralan ang DOE at PNOC-EC na maaring pag-angkatan.

Sa katapusan ng Hunyo sinabi ni Cusi na darating sa bansa ang unang shipment ng suplay ng langis.

May ugnayan na rin ang PNOC-EC sa mga kumpanyang may storage facilities sa Subic, Quezon at iba pang lugar.

Ani Cusi, makatutulong din sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo ang gagawing oil importation.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Department of Energy, oil products, oil supply, Radyo Inquirer, Department of Energy, oil products, oil supply, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.