Pangulong Duterte nagtalaga ng bagong direktor sa BOC at bagong Usec. sa DICT

May mga bagong appointees sa pamahalaan si Pangulong Rodrigo Duterte.

Base sa nilagdaan kautusan, itinalaga ng pangulo si Eduardo Chico Jr., bilang Director III sa Bureau of Customs (BOC). Papalitan ni Chico si Prudencio Reyes Jr.

Samantala, itinalaga din ni Pangulong Duterte si John Henry Naga bilang undersecretary naman ng Department of Information and Communications Technology o DICT.

Mayroon ding dalawang bagong piskal na hinirang ang pangulo at itinalaga sa ilalim ng National Prosecution Service ng Department of Justice (DOJ).

Si Ju-Haree Tolentino ay itinalaga bilang Senior Assistant City Prosecutor sa Pasay City habang itinalaga naman bilang Associate City Prosecutor sa Mandaue City si Arsenia Naparate.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...