ES Medialdea itinalagang OIC sa pamahalaan sa loob ng 3-araw na official visit ni Pangulong Duterte sa South Korea

By Donabelle Dominguez-Cargullo June 01, 2018 - 01:05 PM

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Executive Sec. Salvador Medialdea bilang officer-in-charge sa pamahalan sa panahon ng official visit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa South Korea.

Sa nilagdaang special order ng pangulo, si Medialdea muna ang mangangasiwa sa gobyerno habang nasa South Korea si Duterte mula June 3 hanggang 5.

Partikular na pangangasiwaan ni Medialdea ang day-to-day operations ng Office of the President at pangangasiwaan din ang general administration ng Executive Department.

Ang pangulo ay dadalo sa summit kasama si South Korean President Moon Jae In.

Kasama din sa kaniyang schedule ang pakikipagpulong sa mga negosyante at sa Filipino community.

Ito ang unang pagkakataon na bibisita sa South Korea si Pangulong Duterte.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: oic, Radyo Inquirer, Salvador Medialdea, oic, Radyo Inquirer, Salvador Medialdea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.