2 solar panel ng Phivolcs sa Albay ninakaw

Ninakaw umano ang dalawang solar panels ng Phivolcs na nasa Guinabatan, Albay.

Ang naturang solar panels ay ginagamit ng Phivolcs sa pag-monitor sa aktibidad ng bulkang Mayon.

Nadiskubre ang pagkawala ng solar panels noong May 21 makaraang bigong makakuha ng transmission data ang Phivolcs mula sa bulkan.

Wala pang lead ang mga pulis sa pagkakakilanlan ng suspek.

Ayon sa Phivolcs ang nasabing mga solar panel ang ginagamit para gumana ang scanner na sumusukat sa sulfur dioxide levels upang masuri ang magma sa bulkan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...