Pansamantala lamang ang pagtaas ng presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) at inaasahang bababa ang presyo nito sa mga susunod na buwan.
Ipinahayag ito ni LPG Marheters’ Association (LPGMA) party-list Representative Arnel Ty.
Sinabi ni Ty na ngayon kasi ang panahon ng pagtaas ng produktong petrolyo sa pandaigdigang merkado. Aniya, bababa rin ang presyo ng LPG kapag humupa na ang panahong ito.
Sa tantya ni Ty, kung hindi man sa July o August, posibleng bababa ang presyo ng LPG sa December.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.