Naging dikit ang laban sa pagtutuos ng Cleveland Cavaliers at Golden State Warriors sa game 1 ng NBA finals.
Tinalo ng Warriors ang Cavaliers sa score na 124 – 114 matapos ang dikdikang laban.
Sa 1st quarter, umiskor ng 30 points ang Cavaliers habang 29 points naman ang Warriors.
Pagdating ng 2nd quarter, 27 points naman ang naibigay ng Warriors at 26 points ang Cavaliers.
Nagtapos naman ang 3rd quarter nang mayroong 28 points ang Warriors, lamang ng anim na puntos kumpara sa 22 points lang ng Cavaliers.
Lalong tumindi ang bakbakan pagsapit ng 4th quarter kaya nauwi sa overtime ang laban makaraang magtapos sa 107 all ang score.
Pero sa OT hindi na nagpalamang pa ang Warriors. Kumamada ng 17 puntos ang Warriors kumpara sa 7 puntos lang ng Cavs.
Apat na manlalaro ng Warriors ang nagtulong-tulong at nagtala ng double digit na puntos kabilang ang 29 points ni Stephen Curry, 26 points ni Kevin Durant at 24 points ni Klay Thompson.
Nakapagtala naman ng mataas na 51 points si LeBron James habang 21 points si Kevin Love.
Dahil sa panalo naitala na ng Warriors ang 1-0 sa best of seven series.